Larawang Sanaysay

 

Larawang Sanaysay

Mababang Kalidad Ng Edukasyon Sa Pilipinas

Creator: Noel Celis

Importanteng bigyang halaga ang edukasyon dahil ito ang susi para sa ikabubuti ng ating kinabukasan. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may mababang kalidad ng edukasyon. Maraming Pilipino ang biniyayaan ng mabuting kaisipan ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng oportunidad na makapag-aral upang mas mabihasa ang kani-kanilang kaisipan, talento, at kasanayan.

                                                  

                                                https://images.app.goo.gl/znFzURkEFxU13v3s5

Kabilang sa mga dahilan kung bakit mababa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ay ang kakulangan ng mga paaralan sa rural na mga lugar, ang iba nama’y malalayo ang paaralan  kung kaya’y ay karamihan sa mga bata hindi na nakakapag-aral. Ang iba nama’y dahil sa problemang pinansyal, hindi matustusan ng mga magulang ang kanilang pag-aaral. Marami sa kanila ay mula sa mahihirap na pamilya o ‘di kaya’y walang sapat na sahod pambayad ng matrikula. 

                                            https://images.app.goo.gl/kuBJF3pmBzCrM2AWA

Kakulangan sa guro at silid-aralan. Ang kakapusan ng paaralan ay patuloy na nagiging suliranin sa patuloy ding paglago ng populasyon. Sa hindi pag-tuon ng pansin ng pamahalaan sa suliraning ito ay syang nagiging dahilan sa pagtaas ng demand ng mga guro at maraming guro din ang umaalis ng bansa at sa iba na nagtatrabaho. Kung marami naman ang mag-aaral sa iisang silid-aralan, hindi maiiwasan na mahuhuli ang ibang estudyante dahil hindi lahat sa kanila ay matututukan ng guro.

                                          https://images.app.goo.gl/YjoaDXhFkiaX47NK8
 Sa pagusbong ng Pandemya ay lalo pang nadagdagan ang isyu sa edukasyon. Marami sa mga kabataan ang hindi nakakasabay sa pag-aaral lalong-lalo na ang mga batang nasa preschool, ika-1 hanggang ikatlong baitang, sapagkat hindi lahat ay may pambili ng gadget at lalong-lalo hindi lahat ay may malakas na internet. Kahit na may blended learning at modyular ay hindi pa din ito sapat upang matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang mga kumplekadong aralin at karamihan din sa mag-aaral ay nawawalan ng gana sa pag-aaral.

                                         https://images.app.goo.gl/DVc9LcUXPtpV1T119

 Mahalaga na ang isang mag-aaral ay marunong magbasa at magsulat para sa pag-unlad ng ekonomiya at ng bansa. Ito rin ay nakakatulong upang magkaraoon ng kaalaman sa mga bagay-bagay, kanyang pagkatao, at mga pangyayari sa ating kapaligiran. Higit sa lahat, ang edukasyon ay kayamanan na tanging maipapamana sa mga kabataan na kalianman ay hinding-hindi mananakaw ng kahit na sino man. 




                  


Comments