Lakbay Sanaysay

 

LAKBAY SANAYSAY

APO ISLAND

Matagal-tagal na rin noong huli kaming nakapagbakasyon. Bakasyon na 'yon noong nasa ika-7 baitang pa ako. Tandang-tanda ko pa na sa sa mismong araw na 'yun ay talagang maaga akong nagising dahil sabik na sabik na akong maka punta sa Apo Island. Dala-dala ang mga gamit naming panligo, pangbihis, at mga pagkain, sumakay na kami sa van kasama ang aking pamilya at mga kaibigan ng aking pamilya. Medyo kinakabahan rin ako no'n dahil malayo-layo rin ang byahe mula sa amin at madali pa naman din akong mahilo sa mga byahe. Bago pa kami makarating sa Apo island, bumyahe muna kami ng mga 30 minuto patungo sa Malapatay, Dauin. Habang nasa byahe ay nagkwentuhan kami, nagkumustahan, tawanan, at ang iba nama'y panay kuha ng litrato sa mala paraisong dagat. Pagdating namin doon ay sumakay pa kami ng barko diretso na sa Apo Island. Mabuti rin at hindi nag-iba yung pakiramdam habang sakay sa barko. Dumaong na rin ang barko at isa na rin sa sumalubong 
sa amin ay ang napakagandang isla, ang napakalinaw na tubig ng dagat na pati maliliit na isda ay kitang-kita, at may mga kubo din na mapagsisilungan. Bukod do'n mainit din kaming sinalubong ng mga nagtatrabaho don. Kinuha na namin ang aming mga gamit at inayos na rin sa napiling kubo. Nagaliw-aliw muna kami sa paligid, nagtampisaw at naligo na rin sa dagat, pagkatapos ay kumain muna kami bago pa magpasyal-pasyal sa isla. 
At dahil busog na kami napagisipan na naming pumunta sa kabilang parte ng isla. Dumaan pa kami sa may bato-bato na daan. Malalaki rin ang mga bato na iyon kaya dapat dahan-dahan at maingat kaming naglakad para hindi matapilok at masugatan. 

Sa parteng iyon, makikita ko na medyo marami-rami ang mga tao doon. May mga bata na naglalaro sa tubig, yung iba ay mga turista din, may makikita ding mga bahay na siguro ay sa mga nakatira sa isla. May snorkeling din sila doon na mukhang isa sa mga pinupuntahan ng mga tao. Kailangan munang magbayad bago gawin iyon, kaya nagbayad muna kami sa nagbabantay doon. Pagkatapos magbayad, inalalayan kami pa sa mga pagsuot ng pangsnorkeling. Sabay-sabay na kaming lumusong sa tubig, syempre may tagagabay din sa'min dahil malalim ang dagat at baka mapaano pa kami. Hindi ko maitatago ang saya dahiI sa daming isda na aking nakita mga iba' t ibang klase at kulay ang mga ito. Mayroon ding mga malalaking pawikan nasubakan ko ding mahawakan ito, ang mga magagandang coral reefs, mga sea urchin, sea cucumber, tsaka may nakita rin akong ahas pero hindi ako sigurado kung anong klaseng ahas iyon. Masasabi ko na isa ito sa mga nagustuhan kong paglakbay dahil kasama ko ang aking pamilya. Paminsan-minsan          lang     din       kaming nakakapagpasyal dahil abala rin ang mga magulang sa kanilang trabaho kami naman sa pag-aaral. Hindi talaga maipagkakaila ang gandang hatid ng likas yaman ng ating bansang

Pilipinas, ang mga malaparaisong tanawin nito.




Comments