Replektibong Sanaysay
Buhay Senior High School Ni: Rhea Villar Ilang buwan na lang at makakapagtapos na ako sa Senior High School. Kahit ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na Senior High na pala ako dahil kung tutuusin, nangyari yung pandemic noong nasa ika-9 hanggang 10 baitang pa lang ako. Ilang taon rin ang tinagal nito pagkatapos, balik eskwela na at ika-11 baitang na ako kaya medyo nakakapanibago pa rin. Bilang isang estudyante marami akong natutunan tungkol sa mga bagay-bagay pati na rin sa aking sarili. Dumaan sa pagkabigo ngunit patuloy din namang bumabangon. Sabi nga ng iba, ibang-iba na kapag ika’y nasa senior high kumpara sa junior high. Sa senior high, talagang napasubok ang aking kakayahan. Kahit na sigurado na ako sa kinuha ko na strand na STEM dahil nakahanay dito ang kurso na kukunin ko pag dating ng kolehiyo pero hindi din maiwasan na nagdadalawang-isip pa ako kung kaya ko bang gawin ang isang bagay. Naranasan kong tumakbo muli bilang treasurer sa student coordinat...